Tungo sa Pagbabago, Para sa Pagbabago!
Noel Cabangon
Lumingon sa ‘yong paligid
Buksan ang mata’t isipAt iyong makikita
Kay daming batang lansanganBahay na nagsisiksikan‘Di tiyak ang kinabukasan
Bakit mayayaman langang lalong yumayamanAt ang karamihanLabis ang kahirapan
Dapat na tayong lumaya sa kawalanIwaksi ang katiwalianTuloy pa rin ang labanTayo’y kumilos na!
Koro:Tungo sa pagbabagoPara sa pagbabagoNgayon na, ngayon na!Tungo sa pagbabagoPara sa pagbabagoBayan ko, ngayon na!
Tulay:
Ang pagbabagong nais mo sa ‘ting bayanSa sarili ay dapat nang simulanDapat ipakita na kaya nating mabuhayNang marangal, matapat, mapagmahal at mahusayKaya’t kumilos na!
(Ulitin Koro)
Rap:
Ang bawat bata’y dapat nasa eskwelaNang kinabukasan ay mayroong pag-asaTrabaho at bahay sa bawat PilipinoNang paglikas ay unti-unting mahinto
Yaman ng bayan ay dapat pakinabanganNg buong bayan at ‘di lang ng iilanDagat, bundok, gubat, ilog at kapataganGawing ligtas at dapat pangalagaan
Ang hustisya ay dapat mamayaniMayaman ka man o mahirap na uriUtang ng bayan na baya’y ‘di nakinabangDapat nang putulin at huwag nang bayaran
Karapatan ay dapat nating igalangKarahasan ay huwag pahintulutanDigmaan ay dapat nang malunasan
Kaunlaran, kapayapaan, pagkakaisaAt wastong pamamahala sa pamahalaan
(Repeat Chorus)
No comments:
Post a Comment